Thursday, August 30, 2012

Our 1st Car

Last June 16, 2012 natupad na rin ang pangarap naming magkaroon ng sasakyan. Nung una, nais ng aking kabiyak na owner type jeep lamang para magamit nya sa kanyang negosyo ngunit sa kabutihan ng Panginoon eto ang binigay Nya..
toyota lite ace 2002 model

Monday, January 9, 2012

House Vest Pedestal

There are so many construction materials invented and produced to strengthen the buildings and houses.



The I-Beam
from Google Image















The Precast
from Google Image
















The Steel Deck
from Google Image














But due to storm, many houses and buildings sank in flood here in the Philippines and abroad.












And many lives were lost.


So, If ever given a chance to invent something, I will invent a House Vest Pedestal!

House Vest Pedestal - will be use as a house pedestal or base made of Styrofoam that used in life vest. It should be covered with wood or vinyl. It has bolts and nuts that will be attach to foundations to resist earthquake and strong winds. During typhoon or heavy rains, the owner can loose the bolts so when an unexpected flood arrives, the house will float.

House Vest Pedestal

This is my idea of how to install this one during construction. Please enlarge photo to see the details..
click to enlarge photo


Hope in the future this one will implement, if possible. Not just lives will be save but also hopes, dreams and properties.




-----------------------------------------------------------------------------------------------


This blog post is my entry to The Intersection and Beyond Blog Contest

Thursday, December 29, 2011

Gasolinang Maituturing

Bawat tao may gasolina na maituturing. Gasolina ang nagpapatakbo ng ating buhay, kung wala ang gasolina titigil tayong mangarap at magsumikap. Maglalakad na lamang tayo at babagal sa pag-usad.

Ano at sino nga ba ang ating gasolina?

Para sa mga anak, ang mga magulang ang kanilang gasolina para mag-aral ng mabuti, magkaroon ng magandang trabaho at kumita ng malaki para makabawi at makatulong sa mga magulang.

Para sa mga magulang, ang mga anak ang gasolina upang magsumikap sa buhay, nagsasakripisyo, at isinasantabi ang sariling luho maibigay lamang sa mga anak ang pangangailangan at mapagtapos ang mga ito sa pag-aaral.

Para naman sa mga mister, ang kanilang mga misis ang kanilang gasolina. Nagtatrabaho sila araw man o gabi para sa magandang kinabukasan nilang mag-asawa at para sa magiging mga anak

Para naman sa iba, ang mga gadgets at mamahaling kagamitan ang kanilang gasolina upang magtipid at mag-ipon para makabili ng pangarap na bituin.

Para sa mga may takot sa Diyos, ang Panginoon ang kanilang gasolina upang gumawa ng mabuti, tumulong sa kapwa at inilalaan ang buhay sa paglilingkod sa Kanya.

Ako? Marami akong gasolina, full tank nga e ^_^

Ang aking mga gasolina
Isang litro para sa Panginoong Hesus.
Isang litro para sa aking kabiyak.
Isang litro para sa mga magulang ko.
Isang litro para sa mga kapatid at kamag-anak ko.
At isang litro para sa pangarap kong 1TB Portable Hard Drive

Kaya naisulat ko ang blog post na ito dahil sa isang litrong gasolina na hatid ng 1TB Portable Hard Drive. Matagal ko na kasing pangarap ang bagay na 'to, almost kalahating taon ko na itong pinag-iipunan. Hopefully, manalo ako sa "The Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest" para naman yung ipon ko maibili/maibigay ko na lang sa ibang gasolina ng buhay ko, kung hindi man e tuloy lang ang pagtitipid, tuloy lang ang pag-iipon, tuloy ang buhay habang may gasolina.

Ikaw, sino o ano ang gasolina mo?

♥♥♥  -----------------------------------------------------------------------------------------  ♥♥♥



Ang blog post na ito ay aking lahok sa "The Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest. Nais kong manalo ng 1TB Portable Hard Drive"

Saturday, December 10, 2011

God Answers Prayer

Sometimes the more na nagmamadali tayo, the more na nagkakamali tayo!

So, let's just learn to wait, God answers prayer! .. God proves it in my lovelife and in my career..

When I asked God a partner in life, i prayed specifically. 12 years after, God answered my prayer exactly what i prayed! Wow! Mula sa pangalan, talento at ugali. Siyang-siya ang hiningi ko kay GOD..
Although, may mga nakilala ako na malapit ang katangian sa ipinagdasal ko at nalito ako,
still di pa rin ako nagpadala sa bugso ng damdamin dahil alam ko at nanampalataya ako 100% na ibibigay ni GOD ang ipinagdasal ko
kahit gaano man ako katagal maghintay. At di nga ako nagkamali, eto ako ngayon masaya!
kahit hindi man sagana sa yaman e sagana naman sa pagmamahal.. ANG GALING TALAGA NI GOD!



When I was looking for a job and a company to enhance my working capacities and professional skills, i asked God specifically
Though maraming pressure mula sa pamilya ko at marami ding offer at opportunity abroad pero di ko tinanggap
kasi di ko nakita sa kanila ang pinagdasal ko.. 10 months after, God answered my prayers exactly what i prayed for!
Mula sa address, ugali ng boss at uri ng trabaho EKSAKTONG EKSAKTO! Ang galing talaga ni GOD!


Photos from Google


Friday, November 4, 2011

Ayos Dito Promo Winner

I won an iPad from Ayos Dito. Will blog about this whenever I can ^_^

Sunday, October 30, 2011

Kia Picanto - MY BEST PIC STORY Winners

Yes! I'm one of the winners of Kia Picanto Philippines - MY BEST PIC STORY at ito ang winning entry ko (KIA Picanto - Ang Aking Pangarap) Hindi man ako ang Grand Winner okay lang, deserving naman ang winner kasi ganda ng animation nya.. Hats off to KIM BAM HEO. Gustong gusto ko ang prize na Western Digital 1 Terabyte external hard drive kaya lang Runner Up lang ako kaya ang prize ko ay:


One (1) year magazine subscription (one title only, title selections will be given to the winner)
One (1) Limited edition Kia Picanto 2GB flash drive

okay na rin kaysa wala di ba? Hahaha..

Anyway, for the magazine subscription they let me choose the following titles:

 FHM
Top Gear
Men's Health
Cosmopolitan
Ok!

I chose Top Gear! Here it is:











Thanks Kia Picanto Philippines and their Media Partner BigIdeas Consultancy

God Bless and More Power!

Friday, September 16, 2011

KIA PICANTO - Ang Aking Pangarap

Ang pangarap ang nagtutulak sa atin upang magsumikap na umunlad ang buhay para sa sarili at sa pamilya. Ito rin ang nagpapaligaya sa atin kapag naisasakatuparan. Tunay na ang bawat pangarap ang bumubuhay sa atin para magpatuloy at umasa sa kabila ng krisis at pagsubok.

May iba't ibang yugto ang mga pinapangarap natin sa buhay.

Noong tayo'y bata pa, ang pangarap natin ay magkaroon ng laruan. Laruan na makakapagpasaya sa akin bilang bata. Ang pangarap ko noon ay isang manikang may bahay, umiiyak, kumakain, nagsasalita at naglalakad. Salamat sa aking tiyo, binigyan nya ako ng manikang pangrap ko.

Noong tayo naman ay nag-aaral na, ang nais natin ay makapagtapos agad sa elementarya at high school. Makapag-aral sa kolehiyo at matapos ang kursong nais natin. Ang kinuha kong kurso ay BS Architecture pagkat pangarap ko talaga ang maging Arkitekto. Sa kabutihang palad, natupad naman ang pangarap ko na yun.

Pinapangarap din natin ang magkaroon ng magandang trabaho at mataas na sweldo. Nagkaroon naman ako ng magandang trabaho ngunit para sa akin di kataasan ang sweldo. Nagsusumikap pa rin ako ngayon na makahanap ng mas mataas na sweldo at sa tingin ko makikita ko yun sa kabilang panig ng mundo. Mangyari nawa ang pangarap ko na ito.

Nangangarap din tayo na magkaroon ng sariling pamilya na masaya. Magkaroon ng mabuting asawa at mababait na anak. Salamat sa Panginoon nagkaroon ako ng napakabait at maalalahanin na kabiyak ngunit naghihintay pa rin kami ng anak.

At syempre mawawala ba ang pangarap na magkaroon ng malaking bahay at magarang sasakyan? Kung sasakyan ang pag-uusapan, isa lang ang pangarap ko, pangarap na magpapabago sa takbo ng buhay ko at magpapasaya sa akin kapag napasakamay ko. Ito ay walang iba kundi ang KIA PICANTO.



1. Makakatulong kasi ako sa paglaban sa climate change. Earth friendly kasi ang Kia Picanto at matipid sa gas.

2. Madalas na rin kaming makapag piknik at summer swimming bonding dahil sa spacious luggage space na meron ang Kia Picanto, madadala namin ang gamit na nais namin at makapagbaon kami ng marami.

3. Hindi na rin ako maiinip sa byahe dahil masarap makinig ng music sa Kia Picanto. May magandang audio system kasi ito. Pwede din magbasa habang nasa byahe kasi may lagayan ito ng magazine.



4. No worries din sa byahe dahil sa seatbelt na meron ito.


Marami pang dahilan para pangarapin ko ang Kia Picanto, check nyo ang website nila, pag nalaman nyo ang features ng sasakyang ito pangangarapin nyo din ito PROMISE!