Ano at sino nga ba ang ating gasolina?
Para sa mga anak, ang mga magulang ang kanilang gasolina para mag-aral ng mabuti, magkaroon ng magandang trabaho at kumita ng malaki para makabawi at makatulong sa mga magulang.
Para sa mga magulang, ang mga anak ang gasolina upang magsumikap sa buhay, nagsasakripisyo, at isinasantabi ang sariling luho maibigay lamang sa mga anak ang pangangailangan at mapagtapos ang mga ito sa pag-aaral.
Para naman sa mga mister, ang kanilang mga misis ang kanilang gasolina. Nagtatrabaho sila araw man o gabi para sa magandang kinabukasan nilang mag-asawa at para sa magiging mga anak
Para naman sa iba, ang mga gadgets at mamahaling kagamitan ang kanilang gasolina upang magtipid at mag-ipon para makabili ng pangarap na bituin.
Para sa mga may takot sa Diyos, ang Panginoon ang kanilang gasolina upang gumawa ng mabuti, tumulong sa kapwa at inilalaan ang buhay sa paglilingkod sa Kanya.
Ako? Marami akong gasolina, full tank nga e ^_^
Ang aking mga gasolina |
Isang litro para sa aking kabiyak.
Isang litro para sa mga magulang ko.
Isang litro para sa mga kapatid at kamag-anak ko.
At isang litro para sa pangarap kong 1TB Portable Hard Drive
Kaya naisulat ko ang blog post na ito dahil sa isang litrong gasolina na hatid ng 1TB Portable Hard Drive. Matagal ko na kasing pangarap ang bagay na 'to, almost kalahating taon ko na itong pinag-iipunan. Hopefully, manalo ako sa "The Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest" para naman yung ipon ko maibili/maibigay ko na lang sa ibang gasolina ng buhay ko, kung hindi man e tuloy lang ang pagtitipid, tuloy lang ang pag-iipon, tuloy ang buhay habang may gasolina.
Ikaw, sino o ano ang gasolina mo?
♥♥♥ ----------------------------------------------------------------------------------------- ♥♥♥
Ang blog post na ito ay aking lahok sa "The Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest. Nais kong manalo ng 1TB Portable Hard Drive"