Ang pangarap ang nagtutulak sa atin upang magsumikap na umunlad ang buhay para sa sarili at sa pamilya. Ito rin ang nagpapaligaya sa atin kapag naisasakatuparan. Tunay na ang bawat pangarap ang bumubuhay sa atin para magpatuloy at umasa sa kabila ng krisis at pagsubok.
May iba't ibang yugto ang mga pinapangarap natin sa buhay.
Noong tayo'y bata pa, ang pangarap natin ay magkaroon ng laruan. Laruan na makakapagpasaya sa akin bilang bata. Ang pangarap ko noon ay isang manikang may bahay, umiiyak, kumakain, nagsasalita at naglalakad. Salamat sa aking tiyo, binigyan nya ako ng manikang pangrap ko.
Noong tayo naman ay nag-aaral na, ang nais natin ay makapagtapos agad sa elementarya at high school. Makapag-aral sa kolehiyo at matapos ang kursong nais natin. Ang kinuha kong kurso ay BS Architecture pagkat pangarap ko talaga ang maging Arkitekto. Sa kabutihang palad, natupad naman ang pangarap ko na yun.
Pinapangarap din natin ang magkaroon ng magandang trabaho at mataas na sweldo. Nagkaroon naman ako ng magandang trabaho ngunit para sa akin di kataasan ang sweldo. Nagsusumikap pa rin ako ngayon na makahanap ng mas mataas na sweldo at sa tingin ko makikita ko yun sa kabilang panig ng mundo. Mangyari nawa ang pangarap ko na ito.
Nangangarap din tayo na magkaroon ng sariling pamilya na masaya. Magkaroon ng mabuting asawa at mababait na anak. Salamat sa Panginoon nagkaroon ako ng napakabait at maalalahanin na kabiyak ngunit naghihintay pa rin kami ng anak.
At syempre mawawala ba ang pangarap na magkaroon ng malaking bahay at magarang sasakyan? Kung sasakyan ang pag-uusapan, isa lang ang pangarap ko, pangarap na magpapabago sa takbo ng buhay ko at magpapasaya sa akin kapag napasakamay ko. Ito ay walang iba kundi ang KIA PICANTO.
1. Makakatulong kasi ako sa paglaban sa climate change. Earth friendly kasi ang Kia Picanto at matipid sa gas.
2. Madalas na rin kaming makapag piknik at summer swimming bonding dahil sa spacious luggage space na meron ang Kia Picanto, madadala namin ang gamit na nais namin at makapagbaon kami ng marami.
3. Hindi na rin ako maiinip sa byahe dahil masarap makinig ng music sa Kia Picanto. May magandang audio system kasi ito. Pwede din magbasa habang nasa byahe kasi may lagayan ito ng magazine.
4. No worries din sa byahe dahil sa seatbelt na meron ito.
Marami pang dahilan para pangarapin ko ang Kia Picanto, check nyo ang website nila, pag nalaman nyo ang features ng sasakyang ito pangangarapin nyo din ito PROMISE!
4 comments:
malay muh nmn sis!! just have faith!!
Me too sis.. i love to have one. hahhaa kaso wala akong pera.. well, soon.. let's see.. good luck sis.
@sis Merry and Momee Gee, malay natin noh? Sana mag pa contest ang KIA at PICANTO ang prize.. Wish ko lang =)
love reading it....bastat mangarap lang sis..at maabot natin to
Post a Comment